Skip to content
International Journal of Transformative Multidisciplinary Studies
Menu
  • Home
  • About
  • Current
  • Archive
  • Announcements
  • Editorial Board
Menu

Ang Paggamit ng Pagpapalit Koda at Kagustuhang Makipagtalastasan ng mga Mag-Aaral sa Pampublikong Sekondarya na Paaralan

Posted on

Ang Paggamit ng Pagpapalit Koda at Kagustuhang Makipagtalastasan ng mga Mag-Aaral sa Pampublikong Sekondarya na Paaralan

Cherry Ann Nugal, Josephine Baguio 

Received: 04 May 2026; Revised: 30 May 2026; Accepted: 05 June 2026; Published: 08 June 2026

DOI:  https://doi.org/10.66074/W9C5T1L7

Abstract

Sinuri ng pag-aaral ang ugnayan ng paggamit ng pagpapalit-koda at kagustuhang makipagtalastasan sa Filipino ng mga sekondaryang mag-aaral sa pampublikong paaralan. Gumamit ito ng kwantitatibong deskriptibo-korelasyonal na disenyo at simple random sampling sa 125 mag-aaral mula sa Distrito ng Mati, Dibisyon ng Lungsod ng Mati, sa taong panuruan 2025-2026. Nangalap ng datos gamit ang inangkop at napatunayang maaasahang talatanungan, na may Cronbach’s alpha na .925 para sa paggamit ng pagpapalit-koda at .966 para sa kagustuhang makipagtalastasan. Sinuri ang datos gamit ang mean, standard deviation, Pearson product-moment correlation, at multiple linear regression sa 0.05 antas ng kahalagahan. Natuklasan na nasa lalong mataas na antas ang paggamit ng pagpapalit-koda (M = 4.26, SD = 0.51), kung saan pinakamataas ang intrasentential na pagpapalit-koda (M = 4.33, SD = 0.51). Nasa lalong mataas na antas din ang kagustuhang makipagtalastasan (M = 4.26, SD = 0.49), na pinakamataas sa pananagutang pangpagkatuto (M = 4.33, SD = 0.48). May katamtaman at makabuluhang positibong ugnayan ang dalawang baryabol (r = 0.58, R² = 0.34, p = 0.000). Sa regression model, makabuluhang prediktor ang tatlong domeyn ng pagpapalit-koda, na may pinakamalakas na impluwensiya ang intersentential na pagpapalit-koda (Beta = 0.36). Iminumungkahi ng resulta na ang may gabay at may layuning pagpapalit-koda ay maaaring magsilbing pedagogikal na suporta sa pagpapalakas ng partisipasyon at komunikasyong Filipino.

Keywords:   Filipino, kagustuhang makipagtalastasan, mag-aaral, pagpapalit-koda, sekondarya

Author Information: Graduate School, Rizal Memorial Colleges, Inc., Davao, Philippines; josephinebbaguio@outlook.com

Volume 2, Special Issue 1, June 2026

PDF
Peer Review History
Join the Editorial Board
Make a Submission

ISSN Details
Online: 3116-3017
Print: 3116-3009

Indexing

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.

Web Statistic

Flag Counter

Publisher:
JMED Research and Development on Medical Sciences
2nd Street, Palmspring, San Miguel, Iligan City, Philippines 9200
publisher@jrdmsonline.com
(063) 302 2123; +639127604627

©2026 International Journal of Transformative Multidisciplinary Studies | Design: Newspaperly WordPress Theme