Pansariling Kakayahan ng mga Guro sa Filipino sa Pagsulat ng Aksyon Pananaliksik
Diomedes Beñas, Glenmar Biscarra
Received: 29 March 2026; Revised: 22 May 2026; Accepted: 24 May 2026; Published: 27 May 2026
DOI: https://doi.org/10.66074/PHY55L77Z6
Abstrak
Tinukoy sa pag-aaral na ito ang pansariling kakayahan ng mga guro sa Filipino ng DepEd sa pagsulat ng aksyon pananaliksik at sinuri rin ang mga saloobin hinggil sa pananaliksik, gayundin ang mga hamong kinahaharap sa proseso ng pagsulat nito. Gumamit ang pag-aaral ng multimethod approach kung saan ang kwantitatibong datos ay nakalap sa pamamagitan ng sarbey na talatanungan upang mailarawan ang antas ng sariling kakayahan at saloobin ng mga guro, samantalang ang kwalitatibong datos mula sa panayam ay nagbigay-linaw sa mga tiyak na hamong kanilang nararanasan. Kabilang sa pagsusuri ng datos ang pagkuha ng mean, bivariate correlation analysis, at tematikong pagsusuri. Ipinakita ng resulta na sa pangkalahatan, itinaya ng mga guro ang kanilang sariling kakayahan sa pagsulat ng aksyon pananaliksik bilang napakabuti, bagaman ang kanilang kumpiyansa sa pagbabalangkas ng mga tanong sa pananaliksik at sa paggamit ng mga pamamaraan ng aksyon pananaliksik ay nasa antas na mabuti. Lubos ding sumang-ayon ang mga kalahok na ang pagsasagawa ng pananaliksik ay mahalaga at kapaki-pakinabang sa kanilang propesyonal na pag-unlad. Sa kabila ng pagkilala sa kahalagahan nito, marami sa mga guro ang umaming mahirap ang pagsulat ng aksyon pananaliksik at maaari itong magdulot ng pagkabalisa. Sa kabuoan, may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng sariling kakayahan ng mga guro sa Filipino ng DepEd sa pagsulat ng aksyon pananaliksik at ng kanilang saloobin hinggil sa pananaliksik. Kabilang sa mga natukoy na hamon ang kakulangan sa oras, mabigat na gawain, limitadong karanasan at kaalaman, kahirapan sa proseso ng pananaliksik, at kakulangan sa mga sanggunian. Inirerekomenda na ang Kagawaran ng Edukasyon ay magbigay ng angkop na pagsasanay na pang-propesyonal, pagbutihin ang akses sa mga sangguniang pananaliksik, at maglaan ng teknikal na suporta upang mapahusay ang kasanayan at pakikilahok ng mga guro sa pananaliksik.
Mga Susing Salita: aksyon pananaliksik, guro sa Filipino, pagsulat, pansariling kakayahan
Corresponding Author Information: Abra State Institute of Sciences and Technology, Main Campus, Abra, Philippines; jomedesbench@gmail.com
Volume 2, Issue 2, June 2026
View English Title and Abstract Here
Teachers’ Self-Efficacy in Filipino in Writing Action Research
This study determined the self-efficacy of DepEd Filipino language teachers in writing action research and explored their attitudes toward research as well as the challenges they face in the research writing process. Utilizing a multimethod approach, quantitative data were cokakallected through a survey questionnaire to describe teachers’ levels of self-efficacy and attitudes, while qualitative data from interviews provided insights into the specific challenges encountered. Data analysis included mean, bivariate correlation analysis computations and thematic analysis. Results indicated that teachers generally rated their self-efficacy in writing action research as very good, although confidence in formulating research questions and applying action research methods was rated as good. The participants strongly agreed that engaging in research is valuable and beneficial to their professional development. Despite recognizing its importance, many teachers agreed that writing action research is challenging and can induce anxiety. Overall, there is a significant relationship between the self-efficacy of DepEd Filipino teachers in writing action research and their attitude toward research. The challenges identified included time constraints, heavy workload, limited experience and knowledge, difficulties in the research process, and resource limitations. The Department of Education should provide targeted professional development, improve access to research resources, and offer technical support to enhance teachers’ research skills and engagement.
